(Suportado ng PCCI) MAS MABABANG ALERT LEVEL SA METRO MANILA

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking business organization sa bansa, sa panukalang ibaba pa ang alert level sa National Capital Region (NCR) sa susunod na 14 araw.

Sa isang statement, sinabi ni PCCI president Benedicto Yujuico na halos dalawang taon nang nalulugi at nawalan ng oportunidad ang mga negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic “that it is critical to fully open the economy the soonest to allow them to recover and recoup their losses.”

“The easing of restriction to Alert Level 2, which will allow most businesses to operate, and restaurants to increase the capacity of allowed diners is a good move, especially now as we enter the Christmas season and there is a surge in consumer spending,” ani Yujuico.

Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga negosyo ay maaaring mag-operate sa 50-percent capacity para sa indoor activities at  70-percent capacity para sa outdoor services.

Binuksan din nito ang transportation sector sa 70 percent.

Pinanatili ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang November 14.

“Increasing the capacity of public transport will also support the revitalization of business and the economy,” dagdag ng PCCI chief.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapabilis sa pagbabakuna sa buong bansa para matulungang makabangon ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa mga rehiyon.

Hinikayat din ng PCCI ang pamahalaan na unti-unting buksan ang bansa para sa turismo tulad ng ginawa ng Thailand at Singapore para makatulong sa economic recovery. PNA