(Suportado ng supermarket sector ) 2-MONTH PRICE HIKE MORATORIUM

TINIYAK ng Philippine Amalgamated Supermarket Association (PAGASA) na hindi magpapatupad ang mga miyembro nito sa buong bansa ng taas-presyo sa mga produkto na ibinebenta ng mga food manufacturer na nangakong pipigilan ang pagtaas sa susunod na dalawang buwan.

Sinabi ni PAGASA president Steven Cua na bagama’t ang mga retailer ay may ibang gastos bukod sa pagbili ng goods, irerespeto ng mga miyembro ang self-imposed price freeze sa piling basic commodities.

“If there are upward changes in the prices of certain goods within the next two months, they are likely to be on non-essential items that are not covered by government monitoring,” ani Cua.

Karamihan sa mga miyembro ng PAGASA ay small at  medium-sized supermarkets.

Ipinaliwanag ni Cua na ang direktiba ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Marso 25  na nagtataas sa purchase cap para sa senior citizens at persons with disabilities sa P2,500 kada linggo mula P1,600 ay may negatibong epekto sa retailers’ margins.

“However, the thinner margins on certain items are being offset by slightly lower fuel and electricity costs, coupled with an overall atmosphere of price stability in the country,” dagdag pa niya.

Aniya, kahit wala ang commitment ng mga piling manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo hanggang Hulyo 10, may maliit lamang na adjustments sa karamihan sa mga item sa nakalipas na tatlong buwan.

Gayunman ay inamin niya na may ilang kapansin-pansin na exceptions, nangunguna na ang bigas.

“What we are concerned about right now is the looming wage hike. Wages constitute a huge part of our cost of operations as retailers. I hope they just leave it (pay hike amount) to the wage boards. A legislated wage hike might lead to a number that our members will find hard to handle,” ani Cua.

“It seems there will be another oil price rollback next week. This is certainly good news for us although we realize that the downward trend will not last forever,” dagdag pa niya.

(PNA)