(Suportado ng UN) LABOR DAY JOBS SUMMIT

Gustavo Gonzalez

NAKAHANDA ang United Nations office sa Filipinas na suportahan ang pamahalaan sa pagtugon sa unemployment rate ng bansa, na pinalala ng COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ng UN na susuportahan nito, sa pangunguna ni Resident Coordinator Gustavo Gonzalez, kasama si Director of the International Labor Organization country officer for the Philippines Khalid Hassan, ang bansa sa pagpapatupad ng Decent Work Country Program, simula sa pagsuporta sa Jobs Summit on Labor Day sa Mayo 1.

Magtitipon-tipon sa summit ang mga stakeholder upang talakayin ang pagbangon ng ekonomiya at ang paglikha ng trabaho.

Ayon sa UN, tutukuyin nito ang priority concerns ng labor at employer groups upang matugunan ang employment problems.

“We welcome the organization of the Jobs Summit in the Philippines and we will make sure the UN system provides timely and high quality support,” sabi ni Gonzalez.

“The pandemic has accelerated existing trends in remote work, e-commerce, and automation, but also weakened the quality of jobs, coupled with growing rates of unemployment. Open and strong social dialogue among key partners is vital,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Hassan na kailangang magtulungan ang pamahalaan, mga manggagawa at employer para sa human-centered at consensus-based policies.

Noong Enero ay umabot sa 8.7 percent o katumbas ng 4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

2 thoughts on “(Suportado ng UN) LABOR DAY JOBS SUMMIT”

  1. 300080 88369We stumbled more than here coming from a different internet page and thought I may well check things out. I like what I see so now im following you. Appear forward to exploring your internet page but again. 920666

  2. 512208 647400Thank you, Ive lately been looking for information about this topic for ages and yours is the greatest Ive located out so far. But, what in regards towards the bottom line? Are you certain concerning the supply? 769387

Comments are closed.