NANINIWALA si Presidente Rodrigo Duterte na may sapat na dahilan para isama ang middle-class Filipinos bilang benepisyaryo ng cash aid program.
Tugon ito ng Pangulo sa apela ni Cavite Governor Jonvic Remulla na bigyan din ng subsidiya ng national government ang middle-income families mula sa kanyang lalawigan.
Ayon kay Remulla, bagama’t ang mga pamilyang ito ay nangungupahan sa subdivisions, nabubuhay pa rin sila sa pamamagitan ng kanilang buwanang sahod.
Inilarawan ni Duterte ang apela ni Remulla na ‘valid’ at sinuportahan ang pahayag nito na ang middle-class families ay nangangailangan din ng tulong pinansiyal, lalo na sa COVID-19 crisis.
“Ito naman ‘yung tawag natin na sa middle income, eh ‘yung kanila nakaupa lang ng bahay na medyo maganda sa subdivision then may kaunting pera sila para de-deposito nila for the rainy days. Now what is really very sad is that the rain has arrived,” anang Pangulo sa kanyang ikalawang weekly address to the nation makaraang pagkalooban siya ng special powers ng Kongreso.
Idinagdag niya na, “I agree. I know the political economic horizon of the country.”
Ang pamahalaan ay kasalukuyang nagkakaloob ng monthly financial assistance sa pinakamahihirap sa bansa o yaong mga umaasa sa kanilang daily wage o nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 outbreak sa pamamagitan nd special amelioration program.
Sinabi ng Pangulo na naghahanap ng paraan ang gobyerno para maibigay rin ang mga pangangailangan ng middle class.
“We’ll try to remedy whatever kung may mapulot pa tayo sa daan,” aniya.
Comments are closed.