(Suportado sa Kamara) TEMPORARY NURSING LICENSE SA NON-BOARD PASSERS

nurses

SINANG-AYUNAN ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang mungkahi ni newly-appointed Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga nursing board taker na nakakuha ng 70-74% rating.

Pagbibigay-diin ng House panel chairman, malaki ang pangangailangan ng bansa para sa nursing personnel lalo na sa iba’t ibang government hospitals kaya naniniwala siyang tama ang hakbang na nais gawin ng Health secretary para kahit pansamantala ay masolusyunan ang kakulangan sa medical staff.

“I support Secretary Herbosa’s proposal to offer temporary licenses to nursing board takers who achieved scores between 70-74%. This immediate action will provide us with additional manpower to support our healthcare system while we work on a sustainable solution for this matter,” pahayag pa Salo.

Ayon sa Kabayan party-list lawmaker, sakaling maipatupad ang inirerekomenda ni Herbaso, dapat ay bumalangkas din ng kaukulang panuntunan o kondisyon sa pagbibigay ng temporary license sa non-nursing board passers.

Partikular na rito ang pagbibigay ng prayoridad sa hiring ng mga mismong board passer at ikokonsidera lamang ang pagkuha sa nabigyan ng temporary license kapag mayroon pang mga posisyon na dapat mapunan.

“It is crucial for the DOH to prioritize board passers in granting these temporary licenses. Only after ensuring that there are no qualified board passers available that they proceed to consider non-board passers,” sabi pa ni Salo.

Giit ng kongresista, dapat ay magtakda rin ng kaukulang time frame para kumuha at makapasa sa board exam ang mga mabibigyan ng temporary license upang masiguro na mahigpit na nasusunod ang standards sa hanay ng nursing profession at mapanatili ang kalidad ng healthcare services sa bansa.

“As one of the primary authors of the Universal Health Care Law, I believe that this temporary solution will contribute in improving the accessibility of healthcare services. While acknowledging public concerns, I am confident on the DOH’s ability to provide adequate supervision in ensuring the competent performance of temporary nurses,” dagdag pa ni Salo.

-ROMER R. BUTUYAN