SUPORTADO sa Senado ang pagpapalawig sa work-from-home program hanggang matapos ang deklarasyon ng state of calamity ng pamahalaan sa Setyembre para sa business processing outsourcing (BPO).
Ayon kay Senadora Imee Marcos, sinusuportahan niya ang panukala kahit nagpalabas na ng back-to-office order ang Department of Finance (DOF).
Gayunman ay nilinaw ng DOF na kailangang amyendahan ang tax code upang payagan ang mga kompanya sa economic zone na manatili ang remote work arrangements habang pinananatili nila ng kanilang fiscal incentives.
Ngunit binigyang-diin ni Marcos na kapag ginawa ito ay maitataboy ang foreign investors at mahihirapan ang susunod na administrasyon na mapanatili ang paglago ng pamuhunan. DWIZ 882