SUPORTAHAN ANG TOTAL BAN VS. E-CIGARETTES

alex santos

MULA nang lumabas ang electronic cigarette o vape sa merkado sa Estados Unidos noong 2008, mistulang sakit na lumaganap ang paggamit nito sa buong mundo.

Sa mga hindi pa nakakaalam tungkol sa vape o e-cigs, isa itong uri ng battery-powered device na nag-iinit ng likido at karaniwang may sangkap na nicotine, propylene glycol at glycerin at flavorings katulad ng bubble gum, candies at watermelon.

Ayon sa American Lung Association, umaabot sa 500 klase at 7,700 flavors ang taglay ng mga device na ito na ibinebenta ngayon.

Kung susuriin, malaking tulong daw ang pagkakaroon ng iba’t ibang flavors upang ma­ging mas appealing sa mga kabataan ang e-cigarette o vape.

Dahil sa koryenteng sumusunog sa likido, umuusok ito o nagiging vapor at siya namang nilalanghap ng mga gu­magamit nito.

Noong una, pinaniniwalaang ang e-cigarette ay mas ligtas na alternatibo ng paninigarilyo.

Gayunman, sinasabing nagtataglay pala ito ng nikotina.

Lumilitaw rin ang ilang ebidensiya ng short-term effects daw, positibo at negatibong dulot nito sa kalusugan ng vape users.

Kung matatandaan, unang inihayag ng US Food and Drug Administration na kabilang na sa regulated products ang e-cigarettes, cigars, hookah at pipe tobacco kung saan kapwa sumasailalim ang mga ito sa kaparehong regulasyon na ipinatutupad laban sa conventional cigarettes.

Umarangkada na nga sa US ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga vape product sa mga menor de edad o 18 taong gulang pababa.

Ipinagbabawal na rin ang vape sa Singapore at Australia dahil may konklusiyon na ito ay isang lason.

Naglalaman daw ito ng ‘Vitamin E acetate’, isang kemikal na matatagpuan sa vaping product na maaring makasira sa baga ng tao, habang may sangkap din daw ito na ‘tetrahydrocannabinol’ na nagreresulta sa hallucination katulad ng marijuana.

Noong nakaraang taon, napag-alaman sa isang pag-aaral na pina­ngunahan ni Moon-shong Tang mula sa Institute of Environmental Medicine ng New York University sa Amerika, na maaaring pataasin ng vaping ang panganib ng pagkakaroon ng kanser.

Ang paggamit daw kasi ng electronic cigarette ay nagdudulot ng pagkasira ng DNA kahit na mas kaunti kaysa sa usok ng tabako ang carcinogen na taglay nito.

Kinokontrol ng DNA o deoxyribonucleic acid ang mga katangiang namamana o naipapasa sa mga magkakapamilya.

Hindi nga lang ikinumpara ng pag-aaral ang potensiyal na pinsala ng sigarilyo at e-cigarette na magdulot ng kanser.

Gumawa rin sila ng eksperimento kung saan gumamit sila ng laboratory rats na dito’y lumitaw na nakasisira ang usok mula sa e-cigarette ng DNA sa puso, baga, at pantog ng daga.

Sa Filipinas naman, naitala raw ang kauna-unahang kaso ng sakit na may kaugnayan sa paggamit ng vape o e-cigarette.

Ayon sa Department of Health (DOH), isang 16-anyos daw ang nagtamo ng Electronic Cigarette or Vaping-Associated Lung Injury (EVALI) mula sa Central Visayas.

Bunsod nga nito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa paggamit at pag-import ng vape products sa bansa.

Kumpirmado raw na may toxic chemicals ito na nakakasama sa kalusugan ng tao.

Nagbabala agad ang Presidente na ipapaaresto ang mga mahuhuling nagbi-vape sa mga pampublikong lugar.

Kahit noong unang lumabas ang vape o e-cigarette, itinuturing na raw itong relatively new nicotine-delivery product kaya maraming katanungan ang lumutang tungkol sa kaligtasan at epekto nito sa kalusugan, long-term use at bisa sa pagtulong sa mga nais nang tumigil sa traditional smoking.

Kung susuriin, lumilitaw din na hindi magkakatugma ang mga pag-aaral kung mas ligtas o hindi ang paggamit ng e-cigarette kung ikukum­para sa tradisyonal na paninigarilyo.

Nang itaas ang buwis sa yosi, lumutang naman ang electronic cigarette o vape at dito naman lumipat ang mga tumigil sa paninigarilyo.

Namumutiktik ang mga shop ng vape at kinahuhumalingan ito ng mga nag-quit sa yosi.

Subalit wala pa raw talagang scientific proof kung harmless ang vape o hindi.

May mga nagsabi rin kasi na ang pag-aaral na pabor sa vape o e-cigarette ay kinumisyon lang din ng mga manufacturer nito.

Kaya mas maiging ikasa na lamang ang mahigpit na regulasyon o kaya’y total ban sa mga naturang devices.

May mga panukala na rin  naman sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ukol dito.

Kung mataas naman ang tax, sino pa ang magpo-promote nito?

Aba’y mas mabuting iwasan o huwag nang tangkilikin ang vape o e-cigarette dahil nakasasama pala ito sa kalusugan.

o0o

 Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (7am-8am). Makinig din araw-araw sa Radyo Pilipinas (2pm-3pm). Mapapanood ni’yo rin ako sa PTV NEWS araw-araw dakong ala-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa lupaxsantos1@yahoo.com o pwede niyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos

3 thoughts on “SUPORTAHAN ANG TOTAL BAN VS. E-CIGARETTES”

  1. 500565 85047Slide small cooking pot in the cable to make it easier for you to link the other big wooden bead for the conclude with the cord. 96856

  2. 211253 198549You completed a number of good points there. I did a search on the concern and found nearly all individuals will have exactly the same opinion along with your weblog. 38690

Comments are closed.