SINIMULAN na ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trials ng lagundi bilang supplement treatment laban sa COVID-19.
Sinabi ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) at ethics review board ang clinical trial sa lagundi.
Sa 150 pasyente na isinailalim sa screening, 37 sa kanila ang nag-qualify para sa nasabing pag-aaral.
Ang ginagawang clinical trial ng DOST ay upang malaman kung maari bang maging supplement treatment ang lagundi upang hindi na lumalala pa ang sintomas ng COVID-19.
Kasalukuyan na ring ginagawa ang clinical trials sa virgin coconut oil habang hinihintay pa ng DOST na maaprubahan ng ethics review board ang pagsasagawa naman ng clinical trials sa tawa-tawa na isang traditional herbal medicine.
Comments are closed.