PATAY ang isang dating alkalde ng Talitay, Maguindanao makaraang manlaban sa elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), PNP Drug Enforcement Group at Batangas Police kahapon ng umaga habang patungo sa Camp Crame.
Sa ulat na isinumite kay PNP Chief Police General Guillermo T. Eleazar, nasawi matapos na mang- agaw ng baril si dating Talitay, Maguindanao Mayor Montasser Sabal, alias Sabal na may kinakaharap na kaso sa korte.
Sinasabing si Sabal na suppliers ng mga baril at pampasabog ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay inagaw ang service firearm ng kanyang police escort na maghahatid sa kanya sa Camp Crame matapos na madakip sa Port of Batangas.
Nadakip si Sabal bandang alas-7 kamakalawa ng gabi sa Batangas Port sa Batangas City nang malaman ng National Capital Region Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) operatives ang pagdating nito mula Mindanao.
Armado ng arrest warrant sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 with no bail recommended at RA 9165 with P200,000 bail, isinagawa ang law enforcement operation CIDG operatives kay laban Sabal habang sakay pa ng Reyna De Luna 4, Port of Batangas.
Kasabay nito,naaresto naman ang anim na kasama ni Sabal na sina Norayda Nandag, 43-anyos; Aika de Asis, 34-anyos at Ailyn Companiay, 45-anyos, pawang mga house helper at ang mga driver na sina Muhaliden Mukaram, 36-anyos;Zuharto Monico, 28-anyos at Wilson Santos, 41-anyos.
Iniharap sa media sa Camp Crame nina PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at CIDG Chief, Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro ang anim na kasama ni Sabal, mga armas kabilang ang Cal. 50, bala at mahigit P582,000 cash na nakuha sa grupo ng dating alkalde.
Ayon kay Ferro, nakuha rin sa grupo ang nasa 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Sinabi ni Eleazar na may arrest warrants din si Sabal dahil sa kasong illegal possession of explosives na walang piyansa, kasong may kinalaman sa droga at gun running.
“Isa siyang high value target,” ayon kay Eleazar.
Si Sabal na dating kasapi ng PNP Special Action Force (SAF) mula 1998-2008 at nagsilbing Municipal Mayor ng Talitay mula 2010 hanggang 2013 at Vice Mayor mula 2013 hanggang 2016 ay sangkot din umano sa 2013 bombing sa Davao City.
“He was also considered as Narco politician at high value target (HVT) lalo na’t dating pulis na matindi ang training sa SAF partikular sa Explosive Ordnance Division,” ani Eleazar.
EUNICE CELARIO/ VERLIN RUIZ
813786 38127bmmzyfixtirh cheapest phentermine zero health professional prescribed qrdzoumve buy phentermine diet pill iixqnjouukkebr 468603
203092 212188Excellent artical, I unfortunately had some issues printing this artcle out, The print formating looks slightly screwed more than, something you may want to appear into. 432076
359148 27194My California Weight Loss diet invariably is an cost effective and versatile staying on your diet tv show created for men and women who discover themselves preparing to drop extra pounds and furthermore ultimately maintain a a lot healthier habits. la weight loss 291599
817826 210928whoa, this really is a genuinely good piece of details. I read about something like this before, this really is impressively fantastic stuff. 988141