SUPPLY NG BIGAS NGAYON MAS MATAAS KUMPARA NOONG NAG-DAANG TAON

Bigas

IPINAKITA sa datos ng gobyerno na ang mga Filipino ay mas maraming supply ng bigas noong taong 2017 kaysa sa nagdaang taon sa gitna ng pagkakaroon ng sapat na produkto.

Tumaas sa limang taong sagsag ang daily per capita net food disposable (NFD) ng bansa sa bigas ng 323.97 grams mula sa 295.45g noong 2016, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nangangahulugan ito na mayroong 118.24 kilograms ng bigas na maisasaing ang bawat Filipino noong nagdaang taon, kompara sa 107.84 kilograms na naitala noong 2016 base sa datos ng  PSA.

Ang NFD ang sumusukat sa volume ng commodity na magagamit para sa human consumption, ayon sa PSA.

Sa pagsukat ng NFD, nagbabatay ang PSA ng locally produced supply at imported volume. Binabawas ng PSA mula sa gross supply ang dami ng commodity na ginagamit para sa ibang layunin na pagkukunan ng halaga na magagamit para sa human consumption.

“The daily net food disposable of a commodity of each member of the population measured through an index indicates the movement of food available for consumption in a specified year relative to a base year,” lahad nito sa kanilang annual report na tinawag na Food Consumption and Nutrition 2018.

Pero, may indikasyon sa ini-report ng PSA na ang araw-araw na NFD para sa bigas noong 2017 ay nanatiling nasa mababa ang  base level na 325.67g na nai-rekord noong 2012.

“At an estimated index of 99.47 percent, it means that the quantity of rice available for consumption was 0.53 percentage point lower than the 2012 level,” sabi nito.

Sa parehong report, sinabi ng PSA na ang per capita production (PCP) ng bansa sa bigas noong 2017 ay nadagdagan ng 120.15 kilogram bawat taon, mula sa 111.66 kilogram na nakarekord noong 2016. Ang volume ang pinakamataas mula noong nagdaang limang taon pero nanatiling mababa sa kanilang 2012 base year level na 122.20 kilogram kada taon.

May indikasyon ang PCA ng “volume of production of a particular commodity available for each member of the population,” ayon pa sa PSA.

“In 2017, the annual per capita production of rice increased to 120.15 kilograms and it remained below the 2012 record,” sabi pa rito.

“This was equivalent to production index of 98.33 percent which means that the 2017 per capita production of rice was 1.67 percentage points lower than the 2012 record,” dagdag pa rito.

Base sa estimasyon, ang parehong volume ng  NFD at PCP ay mas mataas kaysa sa per capita rice consumption (PCRC) ng 109.875 kg ng bansa base sa huling datos ng PSA.

Nangangahulugan ito na ang supply ng bigas sa bansa noong nagdaang taon at higit pa sa sapat para matugunan ang total demand para sa pangunahing pagkain ng mga Pinoy.

Naunang report ng PSA na ang ratio ng kasarinlan ng bansa sa supply ng bigas noong 2017 ay bumagsak sa 93.44 percent, mula sa 95.01 percent noong 2016 sa kabila ng mataas na ani ng palay noong isang taon. Iniuugnay ng PSA ang pagbabang ito sa mataas na volume ng pag-angkat.

Nauna rito, pinuna ni  Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang estimate ng PSA, at nakipag-argumento na ang formula ng ahensiya para sa pagkuha ng SSR ay tinawag niyang “flawed.”

Ipinaliwanag ni Piñol na isinama ng PSA ang rice import sa pagkuwenta ng SSR, na nagsasaad ng hindi sapat na local production.

Sinabi niya na ang SSR ng bansa sa bigas ay dapat na mas mataas kaysa noong level ng 2016 dahilan sa mataas na produksiyon ng palay noong 2017.

Ang output ng palay noong nagdaang taon ay tumaas ng 9.54 percent hanggang 19.28 million metric tons, mula sa 17.6 MMT noong  2016. Sa  65.4-percent average milling recovery rate, nakapagprodyus ang bansa ng 12.609 MMT ng giniling na bigas noong 2017.

Sinabi ni Piñol na ang 1.092-MMT pagtaas sa local na produksiyon ng palay noong isang taon ay dapat na sapat na para makabawi sa pagtaas ng demand para sa pangunahing pagkain ng Pinoy dala ng paglago ng populasyon.

“At a per-capita consumption of 114 kilos, that would mean we produced enough rice to feed an additional 9.5 million Filipinos between 2016 and 2017. Our population growth is 1.4 percent, meaning only about 1.4 million Filipinos were born between 2016 and 2017,”  pahayag ni  Piñol sa isang panayam.

“The PSA computation is flawed and inconsistent. It should be higher, based on the production numbers,” dagdag niya.

Sinabi ni Piñol na inatasan niya ang Philippine Rice Research Institute na maglabas ng sarili nilang formula sa pagpapasiya ng SSR ng bigas sa bansa “at maglabas ng mas   maaasahang”  kuwenta. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS