NANGANGAMBA na ang mga rice trader sa patuloy na pagkaunti ng supply ng bigas na maaaring magresulta sa pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Rosendo So, hindi pa matiyak ng kanilang mga kapwa rice trader kung saan kukuha ng supply ng bigas.
Bagama’t may posibilidad na mayroong hoarding, maaaring hindi pa dumarating ang mga inorder na imported na bigas.
Kinumpirma naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mayroong kakulangan sa rice supply matapos ma-delay ang delivery ng mga bigas na inorder ng National Food Authority.
Sa kabila nito, tiniyak ni Piñol na darating na sa Setyembre ang mga imported na bigas. DWIZ882
Comments are closed.