SUPPLY NG MANGGA BUMAHA

LIBRENG MANGGA

UMAPELA ang Department of Agriculture (DA) sa mga Filipino na suportahan ang lokal na industriya ng mangga matapos mag-viral sa social media ang libreng pamama­hagi ng supot-supot nito sa Ilocos Sur.

Ayon kay Agriculture secretary Manny Piñol, aabot sa 100 toneladang mangga ang available ngayon sa merkado at handa na rin ito para sa export.

Pagmamalaki pa ni Piñol, ang mga mang­gang Pinoy aniya ay bukod sa export quality na, matamis at marami pa ang suplay kumpara sa ibang mga bansa na nagtatanim din nito.

Ang presyuhan aniya ng mangga sa kada apat na tonelada ay nagkakahalaga ng P25 kada kilo para sa regular na mangga habang nasa P50 naman ang kada kilo ng export grade.

Para sa mga interesadong bumili ng mga dekalidad na mangga, makipag-ugnayan lamang sa main office ng DA sa mga numer-ong 925-3795.

Comments are closed.