HINIMOK ng isang international inspection firm ang mga Pinoy na may kompanyang agrikultura lalo na sa mga nag-e-export ng produkto ng niyog na kumuha ng trade certifications para maitaas ang kanilang kita sa kanilang shipment.
Sinabi ni Control Union regional manager Sanjaya K. Pathirage na ang global consumption ng mga pagkaing organic, lalo na sa United State ay patuloy na nadadagdagan, isang indikasyon na kailangan pa ng supply ng mga produktong agrikultura.
“Consumption of organic food in the US grew by 6.4%. That’s 30-40 percent increase in consumption in 5 years. That’s not too far from now. And imagine the increase in demand in terms of volume. And somebody has to supply,” lahad ni Pathirage sa isang panayam.
Ipinaliwanag ni Pathirage na ang pangako ng mga bansa para sa Sustainable Development Goals (SDG) ang siyang nagpapatakbo ng demand para sa organic food products.
“They implement actions the world will agree on. It’s not just 193 member states, but the private sector committed to it,” sabi niya.
“Global warming is real, glaciers are melting– Europe is hitting 40 degrees. People are complaining. These changes are interesting. It will change the way we do business,” dagdag pa niya.
Inihalimbawa niya na may malalaking kompanya tulad ng Procter & Gamble, chemicals firm BASF, at Cargill ay nagsimula nang magprodyus ng “sustainable certified” coconut oil sa Filipinas at Indonesia.
Sinabi ni Pathirage na ang Filipino agricultural companies ay puwedeng kumuha ng certification schemes tulad ng Global Good Agricultural Practice at ISO 22,000 para madagdagan ang kanilang kita.
“ISO 22000 is a food safety tool. Organic is increasing value. It helps increase volume of sales profitability and pricing,” sabi ni Pathirage.
“It helps you build topline. Fairtrade USA has now recognized coconut as product within their scheme, and they’re working towards improving it,” dagdag pa niya.
Higit pa rito, sinabi ni Pathirage ang millennials ay puwedeng magsilbi bilang vital market para sa certified organic products dahil ang mga kabataang ito ay mas nangangalaga sa ating planeta kaysa sa mga naunang henerasyon.
“The way millennials make choices have changed a lot. The way they look at the world. The value they perceive is very different from previous generations,” sabi niya. “They want to make responsible decisions to make betterment of the planet.” JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.