NANINIWALA si Senador Win Gatchalian na epektibo ang kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.
Ito ang naging pahayag ni Gatchalian matapos na aminin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumami ang supply ng droga sa bansa.
Paliwanag ni Gatchalian, lumabas sa survey na 80% sa mga Pinoy ang naniniwalang epektibo ang war on drugs ng administrasyon.
Aniya, 70% naman sa mga ito ang naniniwala na ligtas sila dahil sa ginawang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Sa kabila nito, iginiit ni Gatchalian na hindi pa rin dapat na magpakampante dahil marami pa ring nagtutulak ng droga sa mga maliliit na barangay na dapat na sawatain.
Magugunita na inamin ng PDEA na mas dumarami ngayon ang supply ng shabu sa bansa kaya bumaba ang presyo nito sa halagang P2,000 kada gramo.
Samantala, iginiit ng PNP na bumaba kasi ang bilang ng mga gumagamit ng ilegal na droga kaya dumami ang supply nito na pagpapatunay lamang na epektibo ang kampanya sa war on drugs. VICKY CERVALES
Comments are closed.