SUPPLY NG SIBUYAS SAPAT SA KAPASKUHAN

Nananatiling sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa para sa panahon ng Kapaskuhan.

Batay sa datus ng Bureau of Plant Industry (BPI) mayroong 16,000 metriko tonelada ng sibuyas ang pinayagang angkatin ng bansa hanggang Disyembre.

Ang naturang bulto ay tiyak na ilalabas sa mga merkado kasabay ng inaasahang paglobo ng demand sa sibuyas dahil na rin sa mga handaan.

Sa buwan ng Enero, magsisimula na rin ang anihan ng mga magsasakang Pinoy.

Naglalaro mula P80 hanggang P120 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang bahagyang mas mataas ang presyo ng puting sibuyas.