SUPPLY NG TESTING KITS SA COVID-19 KULANG

Testing Kits

KINUMPIRMA ni Senador Christopher Bong Go na kulang talaga ang mga testing  kits para sa CO­VID-19 sa bansa.

Ipinaliwanag ni Go na dapat talaga itong nakakalat kahit sa malalayong lugar sa bansa upang mabilis na masiguro kung mayroong mga positibo sa virus.

Sinabi ni Go na kapag natagalan ang pagtukoy sa mga positibong kaso ay mas mahihirapan ang awtoridad sa contact tracing.

Iginiit pa nito, dapat sa mga ganitong pagkakataon ay mabilis ang pagtugon ng  mga kinauukulang ahensiya ng  gobyerno.

Gayunpaman, ni­linaw ng senador na mayroong pondong pambili ng  COVID-19 testing kits, subalit kapos ang  supply nito kaya kinukulang  ang  gobyerno.

Samantala, inihayag ni Go na nais sana nitong magpatawag ng pagdinig bilang  chairman ng Committee on health, subalit ayaw niya munang istorbohin ang mga abalang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangunguna ni Health Secretary Francisco Duque III. VICKY CERVALES

Comments are closed.