SUPPLY NG TUBIG NASA 90% NA – MANILA WATER

TUBIG-2

SA gitna ng mga kritisismo sa palpak na pamamahala, inireport ng water service provider Manila Water Company, Inc. na naibalik na ang supply ng tubig sa 90 porsiyento sa bandang silangan ng Metro Manila, kung saan naging apektado sa pagkawala ng tubig.

Ilang sandali matapos ang inter-agency special meeting sa opisina ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), nagkaroon ng isang pana­yam ang mga opisyal para ianunsiyo ang mga solusyon na nagampanan para matugunan ang kawalan ng tubig sa east zone ng Metro Manila.

Sinabi ni Manila Water president Ferdinand dela Cruz na sa ngayon ay nakararanas na ang kanilang mga customer ng pagbabago sa kanilang ser-bisyo kompara sa nagdaang linggo.

“There is now 90 percent water availability [to households with previously low water supply]; 99 percent in Makati, Mandaluyong; 93 percent in Marikina; 98 percent in Taguig; and lowest in Quezon City with 89 percent,” aniya.

Sinabi ng Ayala-owned concessionaire na una nilang plinano na maabot ang 99 porsiyento bago matapos ang Marso.

Pinahalagahan din ni Dela Cruz ang pagbaba ng bilang ng mga barangay na nangangailangan ng alokasyon ng tubig mula sa tankers.

“From a high of 61 barangays with no water, we are down to 11 barangays,” dagdag niya.

Nagbigay ang Bureau of Fire Protection ng 156 water tankers sa mga lugar na nanga­ngailangan. Dahil sa pagbabago ng serbisyo ng Manila Water, may 140 tankers na lamang ngayon ang patuloy na umiikot sa east zone.

“We are working very hard to achieve this, by the end of March. Right now, at least the ground floors now have water flowing, we are currently building up the pressure of water,” sabi ng kinatawan ng Manila Water.

Maliban sa maagang pagdating ng tag-init, ipi­nagpalagay rin ng Manila Water ang kanilang pagkakamali na isang  tech-nical problem sa kanilang bagong treatment facility.    PNA

Comments are closed.