MATAPOS ang mahigit isang linggong water interruption sa Metro Manila, unti-unti nang bumabalik ang suplay ng tubig sa ilang lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water.
Partikular na rito ang ilang bahagi ng Mandaluyong na isa sa pinakamatinding tinamaan ng water short-age.
Sa kanilang tweet, sinabi ng Manila Water na may tubig na sa mga sumusunod na lugar:
MANDALUYONG (mula Marso 15):
• Barangay Malamig
•Barangay Plainview
• Barangay Hulo
• Barangay Mauway
PASIG
•Number 19 Lakeview, Brgy. Bagong Ilog
• Felpris Compound, Number 1 Lakeview, Brgy. Bagong Ilog
• Barangay Kapitolyo
Mayroon na ring suplay ng tubig sa Kawilihan Village, Brgy. Bagong Ilog sa Pasig pero nag-abiso ang Manila Water na maaaring mas matagal pang bumalik ang normal na suplay sa mas matataas na lugar.
QUEZON CITY
• Philippine Blood Center
• Lung Center of the Philippines
• St. Luke’s Medical Center
May tubig na rin sa mga sumusunod na ospital sa Quezon City ngunit may nakabantay pa rin na mga tanker kung sakaling mawalan uli ng suplay.
• East Avenue Medical Center
• Philippine Heart Center
• Philippine Children’s Medical Center
• Veterans Memorial Medical Center
• Quirino Memorial Medical Center
• National Kidney Transplant Institute
Una nang nagpaalala ang Manila Water na may oras kung kailan magkakaroon ng tubig araw-araw sa maraming barangay sa siyam na mga lungsod na sineserbisyuhan nila.
Nagkulang ang suplay ng tubig ng Manila Water dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa pinagkukuhanan nito sa La Mesa Dam, sa gitna ng kawalan ng ulan, at pagtaas ng pangangailangan ng mga konsyumer.
SMC MAGSU-SUPPLY NG TUBIG
NAKAHANDANG tumulong ang San Miguel Corporation sa nararanasang kakulangan sa tubig sa East Zone ng Metro Manila.
Sa pahayag ng SMC, kaya nilang makapagbigay ng 140 milyong litro ng malinis na tubig kada araw mula sa kanilang Bulacan Bulk Water Treat-ment Plant.
Hihintayin lamang nila ang pagpayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa panukalang ito.
Ayon kay SMC President at COO Ramon Ang, ramdam nila ang hirap ng sitwasyon ng mga mamamayan sa kakulangan sa tubig at ang pin-akamagandang gawin sa ngayon ay magtulungan.
Noong buwan ng Enero lamang ay nagawa na ng SMC na mapatakbo ang stage 1 ng kanilang Bulacan Bulk Water Project.
Ang stage 1 ay may production capacity na 200 milyong litro ng tubig kada araw ngunit 60 million mld lamang ang nagagamit dahil ang ilang water districts ay hindi pa handang tumanggap ng tubig mula sa pasilidad.
Dahil dito ay mayroon silang sobrang 140 mld na maaaring ibigay sa East Zone at makatutulong sa da-lawang milyong katao o katumbas na 455,000 kabahayan.
Kakailanganin ng SMC ang 14,000 na biyahe ng truck na may tanker sa kada araw para maihatid sa mga residente ang tubig.
Comments are closed.