INILUNSAD ng Supreme Court ang bago nitong SC App o Supreme Court Application sa Judiciary Memorabilia Hall na pinangunahan mismo ni Chief Justice Lucas Bersamin.
Layon nito na lalo pang mailapit sa publiko ang Hudikatura lalo na sa mga abogado at nagnanais na maging abogado at sa media.
Kabilang sa features ng kauna-unahang SC Mobile App ay ang Memorabilia ng SC kung saan makikita ang history at memora-bilia ng Korte Suprema mula sa kauna-unahang Chief Justice kasama na rito ang American Regime.
Bukod sa lawyer’s list, makikita rin sa SC App ang court locator at ang SC directory.
Available ang SC app sa mga android phone o Google play store, subalit ayon sa SC, pinaplantsa na rin nila na maging available ito sa Iphone o IOS sa mga susunod na araw.
Comments are closed.