IPINAHAYAG ng OCTA Research Group na nagkaroon ng pagbagal ang surge ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraang ipatupad ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Batay sa pinakahuling monitoring ng OCTA, sinabi nito na ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng average na 3,819 COVID-19 cases kada araw mula Agosto 15 hanggang 21, na 24 porsiyento na mas mataas kumpara sa 3,088 cases kada araw na naitala naman mula Agosto 8 hanggang 14.
Ayon sa OCTA, nagkaroon ng pagbaba ang rate ng pagdami ng mga bagong kaso ng sakit.
Lumabas din sa kanilang monitoring na ang growth rate ng kaso ng sakit sa rehiyon ay nasa 72 porsiyento noong nakalipas na dalawang linggo at 48 porsiyento naman noong nakalipas na dalawang linggo.
“The lockdown in the form of enhanced community quarantine helped reduce the growth rate of new COVID-19 cases,” ayon pa sa OCTA.
“While new cases are still increasing, the decreasing growth rate is consistent with a decreasing reproduction number. In other words, the surge has slowed down in the NCR,” dagdag pa nito.
Nabatid din na ang kasalukuyang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.67 kumpara noong nakaraang linggo na ito ay nasa 1.90.
Sinabi pa ng OCTA na ang Metro Manila ay mayroong kahalintulad na antas ng impeksiyon o reproduction number noong Abril 1, 2021, subalit ang kasalukuyang rate nang pagbaba ng reproduction number ay mas mabagal kumpara sa rate nang pagbaba noong panahong iyon.
“Back then, it took two to three more weeks before new COVID-19 cases started to decrease in the NCR,” pahayag pa ng grupo.
Ang posible naman anilang paliwanag dito ay ang presensiya ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 na nasa bansa na ngayon o di kaya ay ang mas mataas na mobility ng mga tao nitong katatapos na ECQ.
Idinagdag pa ng grupo na epektibo naman ang ipinairal na dalawang linggong ECQ ng gobyerno ngunit kailangang mapanatili ito sa loob ng susunod na apat na linggo para makakita ng downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga darating pang mga linggo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
2255 359781I dont think Ive seen all the angles of this subject the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so a lot to say and know so much about the subject that I think you should just teach a class about it 375471
214959 847115I was reading by means of some of your content on this internet web site and I believe this site is genuinely instructive! Maintain putting up. 572878
839956 252600I gotta favorite this site it seems quite beneficial . 715472