NIYANIG ng magnitude 5.5 na aftershock ang lalawigan ng Surigao del Norte, ayon sa Philippine Institute of Vol-canology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa PHILVOCS, naitala ang pagyanig bandang alas-6:21 noong Linggo ng umaga.
Sa datos na ibinahagi ng Phivolcs, natunton ang sentro ng pagyanig sa 42-kms hilagang-silangan ng bayan ng General Luna ng nasabing lalawigan.
May lalim itong 44-kms at tectonic ang origin ng paglindol.
Sinasabing aftershock lamang ito ng intensity 5.9 earthquake na yumanig sa nasabi ring lugar may dalawang araw na ang na-kalilipas.
Naramdaman ang pagyanig hanggang sa lungsod ng Cebu; at Gingoog, Misamis Oriental.
Ang naganap na tectonic quake ay hindi inaasahang magdudulot ng mga aftershock o kaya ay major damages. VERLIN RUIZ
Comments are closed.