LIGTAS at walang naitalang danyos sa pagyanig na magnitude 4.7 na lindol sa bayan ng Tagbina, Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay sa layong 15 kilometers southeast ng Tagbina.
Naganap ang pagyanig alas-7:49 ng umaga kahapon.
Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Koronadal City, South Cotabato dahil sa lindol.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay aftershock pa rin ng magnitude 6.3 na lindol sa Cotabato noong Oktubre 16.
May lalim na 125 kilometers ang lindol at hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.