SURIGAO DEL SUR NIYANIG NG LINDOL

NIYANIG ng magnitude 4 na lindol ang isang bayan sa Surigao del Sur kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol sa sila­ngan ng Hinatuan, Surigao del Sur sa naganap na alas-10:31 ng umaga.

Ang pagyanig, na tectonic ang pinagmulan, ay may mababaw na lalim na 16 kilometro.

Ito ay konektado sa magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023 na nakapagtala ng halos 3,000 aftershocks.

Walang pinsala o karagdagang aftershocks ang inaasahan mula sa kaganapang ito.

EVELYN GARCIA