SURIGAO DEL SUR – NIYANIG ng magnitude 6.0 na lindol ang lalawigang ito kahapon ng umaga.
Base sa tala ng PHIVOLCS, ang pagyanig ay naramdaman sa layong 29 kilometers Northwest sa bayan ng San Agustin bandang alas-6:37 ng umaga.
Sinasabing may lalim na 33 kilometro ang pagyanig na nagkiskisang tectonic plates ang pinagmulan ng lindol.
Walang ipinalabas na tsunami warning sa mga baybaying dagat matapos ang naganap na pagyanig sa nasabing lalawigan.
Nakapagtala ang ahensiya ng mga sumusunod na intensity V sa Bislig City, Surigao del Sur at sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.
Intensity IV sa Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur habang intensity III sa Cagayan de Oro City; Tagaloan, Villanueva, at sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental.
Intensity II- El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental; Virac, Catanduanes habang intenisty I sa Iligan City.
Ayon sa PHIVOLCS, maaring makapagtala ng aftershocks habang inaalam pa kung may mga ari-arian na napinsala. VERLIN RUIZ
Comments are closed.