SUMAILALIM sa sorpresang drug test ang mga opisyal ng Manila Police District (MPD) na pinangunahan ni Manila Police District acting District Director, Chief Supt. Vicente Danao.
Kasabay ang aktibidad sa command conference MPD Headquarters.
Una nang nagsagawa ng mandatory drug test kamakailan sa MPD sa utos ni NCRPO Director Guillermo Eleazar.
Ito ay kasunod na rin sa pagkakaaresto kay PO1 Redentor Bautista matapos na suminghot ng cocaine sa loob ng isang bar sa BGC, Taguig.
Layunin ni Danao na matiyak kung may mga matataas na opisyal ng MPD ang Lulong sa ilegal na droga.
Kasabay ng paniniyak na may pagkakalagyan ang mapatutunayan na adik na pulis-Maynila.
PAUL ROLDAN
Comments are closed.