PARA matiyak ang kaligtasan sa mga magbibiyahe ngayong 2019 Undas kaya umarangkada ang Simultaneous surprise mandatory drug test sa mga bus driver at K9 sweeping sa mga bus terminal sa Pasay City at Quezon City ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Pahayag ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na nagsagawa ng OPLAN “UNDASPOT” sa pakikipag-ugnayan at sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na sa mga pasahero na uuwi ng kanilang mga probinsya para ipadiwang ang kanilang holidays, at para maiwasan ang mga illegal drug traffickers nai-take advantage ang ating mga kababayan habang abala ang mga ito sa ginagawang operasyon sa mga bus terminal upang ibiyahe ang mga kontrabando.
Noong Oktubre 28, kasama ang LTO at LTFRB, na nagtungo sa iba’t ibang bus terminal sa nasabing mga lungsod. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.