CAMP CRAME-SA ikasampung araw ng kaniyang panunungkulan, tinotoo ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Guillermo Eleazar ang kanyang banta na surprise inspection sa mga police stations sa NCR Bubble Plus.
Ang hakbang ay bahagi ng kanyang programa na paglilinis sa pisikal man o internal capacity ng police force.
Isa namang istasyon ng pulis sa Metro Manila ang nasampolan nang mapansin na marumi ang paligid ng himpilan.
Bagaman maayos at malinis at istasyon ay hindi nakaligtas ang kalat sa labas nito kaya inutusan ni Eleazar ang naabutang duty cop para damputin ang nakitang basura.
Sinabi ng PNP Chief na warm up pa lamang ang kaniyang ginawa upang magsilbing bababala sa lahat ng station commanders na panatilihin ang kalinisan sa loob at paligid ng himpilan upang aniya’y makuha ang respeto ng publiko.
“Sa maliliit na istasyon magsisimula ang magandang reputasyon ng pulisya kaya dapat at ingatan natin,’ ayon kay Eleazar.
Hindi lang sa Metro Manila police stations naglibot si Eleazar, nagtungo rin ito sa San Jose del Monte City sa Bulacan upang personal na makiramay sa mga magulang ng dalawang kabataang natagpuang walang buhay.
Tiniyak ni Eleazar na makakamit ng mga ito ang hustisya lalo na’t nadakip na ang suspek sa krimen.
EUNICE CELARIO
329900 139503Appropriate humans speeches need to seat as effectively as memorialize about the groom and bride. Beginer sound system about rowdy locations need to always not forget currently the glowing leadership of a speaking, which is ones boat. very best man speeches brother 453474