“SURVIVAL of the fittest” ang sitwasyon ng sangkatauhan ngayon dahil sa nararanasang krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19)
Sa mundo ng dog-eats-dog, ang malalakas lamang ang may karapatang mabuhay.
Sa panahong ito ng pandemic, totoong ang malalakas lamang at matatalino ang nakaliligtas.
Malalakas, dahil kayang labanan ng katawan (antibodies) at ang matatalino dahil sumusunod sa pag-iwas sa sakit gaya ng pananatili sa bahay, paglilinis ng kamay at pag-iingat sa sarili.
Ilang beses na bang napatunayan ang survival of the fittest sa mundo? Napakaraming ulit mula pa nang likhain sina Eva at Adan –una nating nakilala sa Biblia sa parte ng Genesis.
May apat na dapat ikonsidera upang mag-survive ang isang bansa sa COVID-19.
Una, kakayahang magparami ng lahi o reproduction. Dahil sa taas ng populasyon, nangangahulugan na hindi mawawala ang lahing Pinoy o anumang lahi.
Ang pagkakaisa ng bawat isa para labanan ang COVID-19 ay kayang pagtagumpayan.
Sa teorya ni Charles Darwin sa evolution of man at sa missing link daw na unggoy, isinama niya ang konsepto ng Natural Selection na isang adjustment sa living things sa kapaligiran at ito ay ang ikalawang paraan para maka-survive.
Sumasang-ayon siya kay Thomas Malthus na sa pagdami ng tao, importante ang food supply – tulad ng nangyayari sa kasalukuyan.
Sa ganitong panahon, hindi na mahalaga ang pera dahil ang pagkain sa bawat pamilyang naka-quarantine ang kailangan.
Ayon kay Malthus, sa pagdami ng tao at hayop, dapat, darami rin ang pinagkukunan ng pagkain para sa patuloy na buhay.
Ikatlo, dapat din nating ikonsidera ang variation of adaptation sa bagong kapaligiran. Basta may nagbago sa paligid, siguradong may magaganap na konting mutation.
Halimbawa nito, noong ice age, makapal ang balat ng mga hayop at nang matunaw ang yelo dahil uminit ang temperatura, unang nawala ang dinosaurs dahil hindi nila nakayanang magpalit agad ng balat.
Kayang mag-survive ng tao dahil matalino siya. Gumawa sila ng bahay, lumikha ng apoy at nag-imbento ng kasuotan.
Ikaapat, selection. pipiliin na ng kalikasan kung sino ang maililigtas at kung aling klase ng adaptation ang pananatilihin niya. Kalikasan ang magpapasiya kung sino ang makaliligtas lalo na’t wala pa ring naiimbentong gamot sa COVID 19.
Ipinagpalagay na ang ito ang paraan para mabago ang kalikasan. Marahil ay hindi na talaga kaya ng taong linisin ang mundo kaya ang kalikasan na ang gumawa ng paraan.
Sa daang libong katao sa buong mundong naapektuhan o nahawahan ng COVID 19, mas marami ang namatay kaysa nakaligtas.
Tiyak na malalampasan din ang pandemic, may awa ang Diyos. NENET VILLFANIA
Comments are closed.