CALABARZON- BUMAGSAK sa mga operatiba ng Cainta police force ang pangunahing suspek sa pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilya sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal na naganap nitong Abril 5.
Sa report na isinumite ni Col. Orlando Carag, Cainta police chief kay Calabarzon PNP Director, ang suspek ay nakilalang si Vergel Navalta y Cajulao, 26-,anyos, construction worker at residente ng Poblacion , Cainta.
Sa pahayag ni Carag, si Navalta ay may nakabinbin kasong kriminal sa iba’t-ibang korte sa lalawigan ng Rizal.
Sa ginawang masusing imbestigasyon ng Cainta investigation division, pagnanakaw lang ang pakay ni Navalta sa inuupahang apartment subalit sumigaw umano ang ina ng batang babae kung kaya’t sinaksak umano niya ito at nadamay ang dalawang bata nang mag-ingay din.
Matatandaan na natagpuan bangkay sina Angelica Manaloto, 24-anyos, anak nitong si Nica Mangi, 4-anyos at pamangkin na si Renz Orly Trinidad, 7-anyos pawang mga residente ng Cainta, Rizal.
Ang mga biktima ay nagtamo ng iba’t-ibang saksak sa kanilang mga katawan .
Sinampahan na ng kasong robbery with multiple homicide si Navalta sa Cainta prosecutors office.
ARMAN CAMBE