QUEZON- PATAY ang isang land developer samantalang sugatan ang babaeng anak nito matapos barilin ng live-in partner nito sa Gumaca nitong Linggo ng madaling araw sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Raynaldo Alberto, 57-anyos, may-ari ng Elas Land Development Inc., at residente ng Elas Memorial Park sa Brgy. Butaguin, Gumaca, Quezon habang sugatan naman ang anak nito na si Tina Mikaela Alberto, 28&anyos.
Base sa report ng Gumaca PNP, dakong ala-1:55 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at 37-anyos na ka-live in nito na si alyas Marycris.
Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng baril si Marycris at binaril sa ulo ang biktima na agad ikinasawi nito.
Pinuntahan din ng suspek ang tinutulugang kuwarto ng anak ng biktima at ilang beses din pinaputukan.
Matapos barilin ang dalawa, nagbaril din sa ulo ang suspek na agad nitong ikinamatay.
Isinugod sa Rakkk Prophet Hospital sa Gumaca ang anak na babae at nilalapatan pa ng lunas.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng kalibre 9mm na baril na ginamit sa krimen. BONG RIVERA