ROMBLON- NAPIGILAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tangkang pagtalon ng isang suspek sa isang pampasaherong sasakyang pandagat sa Ambulong Port sa Magdiwang nitong Martes sa lalawigang ito.
Ayon sa PCG , habang nagsasagawa ng pre-departure inspection, nasaksihan ni CG Seaman First Class (SN1) John Laurence Lotec ang pagtalon ng 44-anyos na lalaki na residente ng Magdiwang, Romblon.
Agad sumunod sina CG SN1 Lotec at isang lokal na pulis para pigilan ang pasahero na mayroong kasalukuyang kaso ng destructive arson.
Ililipat na sana ang suspek sa Romblon, Romblon nang subukan nitong takasan ang kanyang mga escort sa pamamagitan ng pagtalon sa tubig. PAULA ANTOLIN