SUSPEK SA 2009 MAGUINDANAO MASSACRE NASAKOTE

COTABATO CITY -MAKALIPAS ang 12 taon nang maganap ang Maguindanao Massacre, isa pang suspek ang naaresto ng mga tauhan ng CIDG Maguindanao Field Unit sa BARRM Compound sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Datu Harris Ampatuan Macapendeng na kasalukuyang Brgy Captain ng Tuayan, Datu Hoffer sa Maguindanao.

Ang nahuling suspek ay may patong sa ulo na aabot sa P300,000.00 sa isailalim ng DILG Memo Circular 2010-76.

Nahaharap si Macapendeng sa kasong 43 counts ng murder.

Kabilang ang suspek sa Ampatuan private army na isa mga dumalo sa pagpupulong kaugnay sa Ampatuan massacre na ikinasawi ng 58 katao noong Nobyembre 2009. REA SARMIENTO