SUSPEK SA GINANG NA BINARIL NASAKOTE

QUEZON- ARESTADO ang suspek sa pamamaril sa isang babae na caretaker ng Beneraza Resort na nasa bahagi ng Sitio Silangan Brgy.Guis-guis, Talon sa bayan ng Sariaya.

Matatandaang noong Mayo 27 dakong alas-4:30 ng hapon ay pinagbabaril ang caretaker hanggang sa mapatay ang biktimang si Aiza Magboo y Ramos, 34-anyos habang nasa isang kubo sa nasabing resort.

Ayon kay Lt.Col. Rommel Sobrido, hepe ng Sariaya PNP na sa kanilang ginawang follow-up operation kahapon ay nasakote ang suspek na si RvJoy Flores Paderon alyas Tek, 24-anyos at residente ng Emilio Jacinto St.Brgy 4 Lucban, Quezon na miyembro umano ng Notorious Paderon Drug Group.

Ayon pa kay Sobrido, paghihiganti umano ang motibo ng pamamaril sa biktima dahil ang asawa nito ay dating asset ng pulis ang siyang target ng mga suspek na naging dahilan ng pagkakahuli at pagkakakulong sa ilang miyembro ng naturang sindikato.

Hindi umano inabutan sa lugar ang pulis asset kung kaya’t ang asawa ang pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Kasalukuyang nasa costudial facility ng Sariaya PNP ang suspek habang inihahanda na ng pulisya ang patong patong na kasong isasampa laban dito.
BONG RIVERA