LA UNION –MALAPIT nang maresolba ang kaso ng pagpaslang kay Supiden Mayor Alexander Boquing at ng dalawa nitong kasama habang nakalabas na ang kanyang misis na si Mayor Wendy na patuloy sa pag-ige ng lagay.
Batay sa ulat ni Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., spokesperson ng La Union Police Provicial Office (LUPPO), nagkakaroon na ng development ang pagsisiyasat ng Special Investigation Task Group (SITG) kasunod ng pagtukoy sa isa sa limang suspek.
Batay sa testigo, nakilala ang gunman sa sasakyan ng alkalde gamit ang armalite rifle.
Matapos ang pamamaril sa alkalde, may tatlo pang kalalakihan na hinihinalang back-up na nagtago sa palayan na siyang dinaanan ng gunman at driver kasunod ang pagsakay sa puting pick-up na magkakasamang tumakas.
Kinumpirma naman ni Sr. Supt. Ricardo Layug Jr., director ng LUPPO, mayroong kasong murder ang suspek sa Ilocos Region.
Tumanggi namang pangalanan ni Layug ang suspek at ang detalye ng unang kinasasangkutang kaso nito dahil patuloy nila itong pinaghahanap. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.