SUSPEK SA MAGUINDANAO MASSACRE TUMBA, 1 PA NALAMBAT

arestado

MAGUINDANAO – ARESTADO ng PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang isa sa suspek sa Maguindano Massacre habang nasawi ang isa sa kasama nito sa Brgy Timbangan Shariff Aguak.

Kinilala itong si Gambayan Kasim Alyas Lori Alip, 47-anyos, residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PRO BARRM Spokesperson Police Capt Jemar Delos Santos, isang hand grenade ang nakuha kay Kasim nang mahuli ito sa operasyon.

Bukod kay Kasim, dead on arrival sa ospital matapos na tamaan ng bala ng baril ang kasama nito na kinilalang si Edsrail Guiomla alyas Nas Guiomla nang makipagbarilan sa mga pulis.

Nakuha naman sa naaresto ang  isang kalibre 45 baril at 13 plastic sachet na naglalaman ng shabu. REA SARMIENTO

One thought on “SUSPEK SA MAGUINDANAO MASSACRE TUMBA, 1 PA NALAMBAT”

Comments are closed.