SUSPEK SA MASAKER, CAFGU LUMABAN NANG SABAYAN SA MILITAR

CAFGU

DAVAO CITY – PATAY ang isang kasapi ng CAFGU na suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa Marilog District nang makipagsabayan sa mga pulis at sundalo  sa ulat ng Davao City Police Office kahapon.

Kinilala ng Davao City PNP ang suspek na si Randy Balagisi, 23-anyos, CAFGU Active Auxiliary (CAA) member na nasa ilalim ng 16th Infantry Battalion ng Barangay Gumitan Patrol Base.

Ayon kay Davao City Police office director Police Col. Alexander Tagum, tinangkang hulihin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at PNP si Ba­lagisi subalit nauwi ito sa engkuwentro sa Sitio Lapinig Marilog District, Davao City.

Lumitaw sa pagsisiyasat na si Balagisi ang pa­ngunahing suspek sa pagpatay sa isang pamilya noong Martes, Mayo 14 sa Sitio Guilon, Barangay Marilog, sa Marilog District.

Sinasabing ginahasa pa umano ng suspek ang isa sa mga biktima bago tuluyang pinaslang.

Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Marilog Police Station nitong Miyerkoles na pinamunuan ni Station Commander Major Estrillo Ramiso.

Subalit ng matunton ito sa halip na sumuko nang mapayapa ay nanlaban  pa ito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.