KUSANG loob na sumuko at inaresto ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner gamit ang martilyo sa Bacoor City, Cavite.
Nahaharap na sa patong-patong na kaso ang suspek na si Eric Capulong, 46, live-in partner ng biktimang si Concepcion Beldad, 39, empleyado ng Manila City Hall at kapwa residente ng 206 A. Mirasol St., Balut, Tondo, Manila.
Batay sa ulat, kusang loob na sumuko dakong alas-11:20 kamakalawa ng gabi ang suspek kina Manila Mayor Isko Moreno at SMART Chief PMajor Rosalino Ibay sa kanilang bahay sa Ph.1-B Blk4, Lt.12, 4th Ave., CitiHomes Subd., Molino IV, Bacoor, Cavite
Matatandaan na napatay ng suspek sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ang live-in partner nito dakong alas -2:30 Martes ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay matapos silang nagtalo dahil gusto nang kumalas ng babae sa lalaki.
Matapos ang pagpatay ay tumakas ang suspek at nagtago.
Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center subalit idineklarang dead in arrival.
Nauna ring nag-alok si isko ng halagang P100,000 kapalit ng pagkakaaresto sa suspek. PAUL ROLDAN