SUSPEK SA PAGPATAY SA PULIS-MAYNILA TODAS

PATAY ang isang lalaki na umano’y lider ng sindikato at pangunahing suspek sa pagpaslang sa isang pulis Maynila makaraang manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Special Mayor’s Reaction Team (SMaT) sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center hospital ang suspek na si Rommel Tiatco, nasa wastong gulang, may kalive-in, lider ng Tiatco Organized Crime Group at naninirahan sa 441 Inocencio St., Brgy. 93, Tondo, Manila sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan nang kumasa ito sa mga awtoridad na aaresto sa kanya.

Batay sa inisyal na ulat ni SMaRT Chief P/Lt.Col. Rosalino Ibay Jr., dakong alas-8:45 ng uma­ga nang magtungo sila sa bahay ng suspek upang ihain ang inisyung warrant of arrest ni Hon. Judge Marivic Balisi Umali ng TC Branch 20, Manila.

Sa halip na sumuko ang suspek ay pinili umano nitong manlaban kung saan pinaputukan nito ang mga awtoridad kaya’t napilitan ang mga pulis na gumanti na nagresulta sa pagkabaril kay Tiatco.

Agad namang isinugod sa nasabing ospital ang suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Si Tiatco ang itinuturong pumatay sa dating MPD pulis na si P/SSG Dranreb Cipriano. PAUL ROLDAN

6 thoughts on “SUSPEK SA PAGPATAY SA PULIS-MAYNILA TODAS”

  1. 410516 246047BTW, and I hope we do not drag this too long, but care to remind us just what kind of weapons were being used on Kurds by Saddams army? To the tune of hundreds of thousands of dead Talk about re-written history 566783

Comments are closed.