SUSPEK SA PAGSUNOG NG BATA ‘BINITAY’?

sinunog2

LANAO DEL NORTE- NADISKUBRENG patay na ang lalaking suspek sa pagpaslang at panununog sa dalawang taong gulang na bata sa loob ng comfort room ng custodial facility ng Maigo Municipal Police Station sa lalawigang ito.

Nakita ang suspek na si Florencio Bacubal na nakabitin at wala nang buhay sa loob ng palikuran ng nasabing police station.

Ayon kay Police Lieutenant Baltazar Deguilmo, officer-in-charge ng Maigo MPS, nagbigti si Bacubal gamit ang kinalas na sling ng bag na pinaglagyan ng kaniyang mga damit na dala ng dumalaw niyang anak.

Si Bacubal ay kinasuhan ng murder in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law dahil sa panununog ng buhay sa isang batang lalaki sa Purok 7, Barangay Sigapod noong Linggo ng gabi. VERLIN RUIZ

Comments are closed.