(Suspendido ng 30 araw) BAYAD SA UPA NG SMALL BIZ

Rep Karlo Alexei Nograles

MAGKAKAROON ng 30-day moratorium ang maliliit na negosyante sa pagbabayad ng upa sa commercial spaces, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ani Nograles, sakop ng moratorium ang commercial rent ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para sa  month-long period ng Luzon-wide enhanced community quarantine.

“Tulad ng residential units, may 30-day grace period na rin po sa pagbayad ng upa sa commercial spaces na ginagamit ng maliliit na negosyo o MSMEs,” pahayag ni Nograles sa isang virtual press briefing.

Aniya, ang Department of Trade and Industry (DTI) ang bubuo ng panuntunan para rito.

Nauna nang nagpatupad ang gobyerno ng 30-day moratorium sa pagbabayad ng residential rents at loans.

Ang lahat ng loans na dapat bayaran sa lockdown period ay makakakuha ng 30-day payment extension.

Ang buong Luzon ay isinailalim sa enhanced community quarantine simula March 17 hanggang April 12 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Comments are closed.