LA UNION – BALIK- puwesto kahapon bilang alkalde sa bayan ng San Fernando City sa La Union si Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto matapos suspendihin ng Office of the Ombudsman.
Sa ipinalabas na memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG), pinababalik sa tungkulin bilang alkalde si Gualberto alinsunod sa utos ng Court of Appeals (CA) noong Setyembre 10.
Sinuspinde si Gualberto ng anim na buwan simula noong Abril 15 matapos kasuhan ng grave misconduct, gross neglect of authority, grave abuse of authority at technical malversation of funds.
Dahil sa pumayag si Gualberto na gamitin ang P66.5 milyon mula sa 2017 at 2018 Development Fund para sa upgrading ng city plaza, kinasuhan ito ni Chairman Samuel Jucar ng Barangay Cadaclan na sinuportahan ng 40 barangay chairmen dahil sa walang pahintulot ito mula sa San Fernando City Council.
Dinismis ang kasong technical malversation laban kay Gualberto dahil sa kakulangan ng ebidensya at ni-reject din ng 13th division ng Court of Appeals ang naging kautusan ng Ombudsman na sibakin ito bilang alkalde. MHAR BASCO
Comments are closed.