IREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspendihin ang importasyon ng mga produktong baboy sa mga bansang walang kaso ng African swine fever (ASF).
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ang mga bansang bagama’t walang ASF, pero kinokonsiderang “high risk,” lalo kung malapit sa mga tinamaan na ng ASF.
Layunin ng kalihim na maprotektahan ang Filipinas laban sa ASF.
Maaaring hindi na papasukin sa bansa ang mga produktong baboy na mula sa Malaysia, Myanmar, India at Laos.
Nauna nang nagkaroon ng temporary ban sa pork importation dahil sa ASF ay ang China, Hong Kong, Mongolia, Vietnam, Cambodia at North Korea, maging ang Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, Russia, Ukraine, Poland, Latvia, Romania at Zambia. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.