SUSPENSIYON KAY CALVIN NA-LIFT NA

on the spot- pilipino mirror

LAHAT ng laban ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ay handog nila kay Calvin Abueva. Sa panalo ng Fuel Masters laban sa Magnolia Hotshots ay hindi napigilan ni interim coach Topex Robinson na mapaluha sa harap ng sports media na nasa bubble. Ayon kay Robinson, ayaw nilang umalis ng hotel at ng gym na talunan. Alam  ni coach Topex na nais makatulong ni Calvin sa team. Mukhang nakatulong ang pag-iyak ni coach Topex dahil na-lift na ang suspension kay Abueva. Maaari na ngayong muling maglaro si Abueva at makatulong sa Phoenix team.

Good luck, Calvin, sana ay makita  ng fans mo at ng liga ang iyong pagbabago sa iyong pagbabalik.

o0o

Matindi pala itong si James Yap, kapag umutang ka pala sa kanya ayaw niya ng maliit na amount. Ang gusto niya, kapag umutang sa kanya nasa P100k at P500k, kasi kung maliit daw ay lista na lang sa tubig.

Sa bagong vlog ni Ms. Apple David, isa sa courtside reporter ng TV5 sa PBA, ay sinubukan niyang utangan si Yap. Pero ang lahat nang ito ay PRANK lang. Handa namang magpautang ang batang Escalante pero kailangan ay nasa P100k.

HIndi gaanong ginagamit ni coach Caloy Garcia si James dahil nga  iniinda nito ang kanyang kanang tuhod. At hindi pa rin ito 100 percent na kondisiyon, kaya hinay-hinay lang ang paggamit ni Garica kay King James.

o0o

Nais ni Nonito ‘Flash’  Donaire na makaharap si pound for pound king Roman Gonzales ng Nicaragua. Pero bago niya kalabanin si Gonza-les ay kailangan niya munang tapusin ang sagupaan nila ni Nordine Oubaali ng France ngayong darating na Disyembre.

Pagkatapos ng laban niya kay Gonzales ay bababa siya sa junior bantamweight upang makarap si Gonzales. Kumpiyansa si Donaire na magiging maganda ang salpukan nilang dalawa sakaling matuloy ito.

Bukod kay Gonzales, sakaling bumaba siya sa batamwegiht division, ay puwede niyang makalaban sina Juan Francisco  Estrada ng Mexico, Kazuki Tika ng Japan, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at ang kapwa Filipino na si Jerwin Ancajas. Abangan natin iyan!

Comments are closed.