SUSPENSIYON NG EXCISE TAX SA FUEL IREREKOMENDA NG DOE

DOE USEC Marcos

NAKAHANDA ang Department of Energy (DOE) na irekomenda ang pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo sa sandaling pumalo sa $80 kada bariles ang presyo ng krudo.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni DOE Undersecretary Donato Marcos na ­pangungunahan nila ang pag­rekomenda sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang pagpapataw ng excise tax sa ­petrolyo kapag tatlong buwang sunod-­sunod na umabot ang ave­rage na halaga ng krudo sa $80 kada bariles.

Bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, inanunsiyo ng ahensiya na magpapatupad ito ng bagong polisiya na mag-uutos sa mga kompanya ng langis na idetalye ang price adjustments na kanilang isinagawa.

Nagbabala si Marcos na ipasasara ang mga gasolinahan na ilegal na nagtataas ng presyo ng petrolyo.

“Halimbawa sa mga pumping station, ‘pag sila ay overpricing o sumosobra, lalo na ang mandato ay ‘yung qua­lity at quantity ng nasabing produktong petrolyo, awtomatiko pina-padlock namin kapag nakita namin ‘yon, lalo’t walang qua­lity,” aniya.

 

Comments are closed.