DAHIL sa tuloy-tuloy na paglobo ng inflation rate at pagtaas ng presyo ng bilihin, nag-iba na ang tono ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pagsususpinde sa excise tax sa petroleum products.
Noong una, iginiit ng senador na hindi ang TRAIN Law ang dahilan kaya tumaas ang presyo ng petroleum products sa merkado kundi ang pagsipa ng presyo nito sa world market.
Subalit, ngayon ay inamin ni Sotto na dapat nang pag-aralan ang pagsuspinde sa karagdagang buwis sa petrolyo.
Aniya, maaari namang pag-aralan ang ilang probisyon sa TRAIN Law para maremedyuhan ang pagsipa ng presyo ng bilhin na epekto nito.
Sinabi ni Sotto na magagawa lamang ito kapag tinalakay na ang TRAIN 2 kung saan pag-uusapan na maaaring amyendahan ang ilang probisyon sa tax reform law. VICKY CERVALES
Comments are closed.