SUSPENSIYON NG VAT, EXCISE TAX MAKASASAMA SA EKONOMIYA

KUNG ititigil ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkolekta ng Value Added Tax (VAT) at excise tax ay malaking halaga ang mawawala sa kaban ng pamahalaan.

Ang VAT at excise tax ay dalawang malaking sangay ng buwis na nakatutulong sa pagpapatakbo ng bansa.

Hindi lamang ang pamunuan ng BIR ang tutol dito, kundi maging ang Department of Finance at Department of Budget and Management – kabilang na ang mga economic manager ng pamahalaan – dahil makaaapekto ito sa takbo ng ekonomiya at mga pondong ipantutustos sa mga proyekto at programa ng gobyerno.

Ang VAT ay kinokolekta sa mga produkto at serbisyo na binibili ng mga mamamayan, habang ang excise tax ay kinokolekta sa mga produktong may mataas na halaga o presyo tulad ng sigarilyo, alak at gasolina.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mga exemption sa VAT at excise tax na ipinatutupad ang BIR at halimbawa rito ay ang mga gamot at medical services para sa COVID-19.

Ayon sa Food and Drug Administration, ang mga gamot at medical services para sa COVID-19 ay hindi na kinakaltasan ng VAT, nguni’t ito ay maaaring magbago – depende sa patakaran ng BIR.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo at iba pang petrolyo, iminungkahi ng mga transoort group na suspendihin ang implementasyon ng VAT at ET, bagay na hindi sinasang-ayunan ng mga economuc manager ni Presidente Marcos.

Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang oil products ay maaaring sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Ayon sa World Economic Forum (WEF), ang pagtaas ng presyo ay maaaring dulot ng paggtaas ng demand sa langis at pagbabawas sa produksiyon ng langis.

Sa kasalukuysn, ang pandaigdigang ekonomiya ay patuloy na naghihingalo at isa sa dahilan nito ay ang epekto ng pandemya na sanhi ng patuloy sa pagtaas sa presyo ng krudo na nagpapahirap ngayon sa sa sambayanan.

Ang inflation ay maaaring ay domino effect ng dinaranas nating krisis pangkabuhayan. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, kawalan ng supply at pagtaas ng demand sa merkado.

Sa kasalukuyan, ang inflation rate sa Pilipinas ay patuloy na tumataas at isa sa sanhi nito ay ang pagtaas din sa presyo ng bigas, palay at iba pang agricultural products, isama pa ang smuggling at hoarding ng bigas na nagpapahirap sa mga mamamayan.

Ayon sa World Bank, ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahang lalago ng 5.7% bago matapos ang taong 2023.

Patuloy rin sa pagtaas anv tax collections ng BIR at BOC. Noong nakaraang Hulyo ay umabot sa P2.1 trilyon ang nakolekta ng dalawang pangunahing collection agencies.