‘SUSPICIOUS TRANSACTIONS’ SA E-PAYMENTS LUMOBO SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC – AMLC

AMLC-2

DAHIL marami ang napilitang gumamit ng digital payments sa panahon ng mahigpit na lockdowns na ipinatupad sa first half ng taon dulot ng COVID-19 pandemic, malaki ang itinaas ng bilang ng report ng suspicious transactions sa unang walong buwan ng taon.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na iniulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang paglobo ng suspicious transaction reports (STRs) na may kaugnayan sa online activities sa “COVID-19 Financial Crime Trend Analysis and Typologies Brief, Series 2” nito.

Ayon kay Diokno, na bilang BSP governor ay siya ring chairman ng AMLC, sinuri ng report ang STRs na isinumite sa AMLC mula January 1hanggang August 31, 2020, na sakop ang mga buwan ng enhanced community quarantine (ECQ), modified ECQ, at general community quarantine.

“STR submissions for the period increased by 57% compared with the same months in 2019,” aniya.

Sinabi ni Diokno na sa kabuuang bilang ng STRs, 29 porsiyento lamang ang naganap sa pagitan ng March 16 at August 31.

“STR submissions of electronic money issuers (EMIs) soared by 688%, while those of pawnshops and money service businesses (MSBs) climbed by 51%,” anang central bank chief.

Naunang sinabi ng AMLC na ang malaking pagtaas sa STRs ay hindi nangangahulugan ng paglobo ng mga kaso ng money laundering, subalit indikasyon lamang ng umigting na kooperasyon sa pagitan ng ahensiya at ng entities sa ilalim ng pagbabantay nito.

Ayon kay Diokno, ang mga pangunahing dahilan ng STR filing ay ang unauthorized account access sa pamamagitan ng skimming at phishing, at iba pang paglabag sa Electronic Commerce Act sa 49 percente na may tinatayang halaga na P2.7 billion; online sexual exploitation ng mga bata at mga kaugnay na krimen sa 13 percent na may tinatayang halaga na P84.5 million; at suspected money mules/pass-through accounts sa 9 percent na may tinatayang halaga na P406w.9 million.

“Because of the increase in the use of the online and e-money space for money laundering, STRs related to electronic banking transactions grew by 1,680% for inward fund transfers and 5,158% for outward fund transfers,” ani Diokno.

“STRs, involving cash-in and -out via electronic cash cards, rose by 580% and 197%, respectively,” dagdag pa niya.

Comments are closed.