ISANG panukalang batas ang inihain ng grupo ng mambabatas sa Kongreso para mabigyan ng isanlibong pisong ayuda kada buwan ang mahihirap na Persons With Disability (PWD) sa bansa.
Ayon kay ACT-CIS Cong. Jeff Soriano, nag-request sa kanila si DSWD Sec. Erwin Tulfo para mabigyan ng cash na ayuda ang mga PWD na mahihirap.
Dahil sa kahilingan ni Sec.Tulfo, kaya agad na naghain ng panukalang batas sina ACT CIS Cong. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Jeff Soriano, Benguet Cong. Eric Yap, at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo na magbibigay ng cash assistance sa “indigent PWDs”.
Ayon kay Cong. Soriano, lima silang author sa House Bill 1754 at kakausapin pa nila ang ibang kasamahan sa Kongreso para suportahan at lumusot agad bilang batas.
Sa ilalim ng nasabing panukalanag batas o “an act providing monthly subsidy for indigent persons with disablitiy” makakatanggap ng cash subsidy ng one thousand pesos kada buwan ang isang mahirap na PWDs.
“Alam namin na hindi kalakihan ang halaga pero makakatulong kahit papaano sa mga kababayan natin na may kapansanan,” pahayag ni Cong. Soriano.