TINATAYANG higit 18,000 elective positions ang pag-aagawan ng mga kandidato sa buong bansa sa darating na 2025 National and Local Elections, ayon sa tala ng Commission on Elections (Comelec).
May kabuuang 18,280 na puwesto na sumasaklaw sa 14 na puwesto sa 254 na congressional districts ang paglalabanan.
Sa national race, 12 senatorial seats, 63 seats para sa party-list representatives at 254 seats para sa congressional district representatives ay maglalaban-laban.
Para sa mga lokal na botohan, ang bilang ng mga makukuhang puwesto ay:
- Governor-82
- Vice Governor-82
- Member, Sangguniang Panlalawigan-800
- City Mayor – 149
- City Vice Mayor- 149
- Member, Sangguniang Panlungsod-1,690
- Municipal Mayor-1,493
- Municipal Vice
- Mayor-1,493
- Member, Sangguniang Bayan-11,948
- BARMM Members
- of the Parliament-25
- BARMM Party Representatives -40
Ang 254 na district representatives ay ang sumusunod:
- National Capital
- Region-33
- Cordillera
- Administrative Region-7
- Region I-12
- Region II-12
- Region III-24
- Region IV-A-31
- Region IV-B-8
- Region V-16
- Region VI-12
- Negros Island Region-11
- Region VII-14
- Region VIII-13
- Region IX-11
- Region X-14
- Region XI-11
- Region XII-10
- Bangsamoro
- Autonomous Region in Muslim Mindanao-6
- CARAGA -9
Nitong nakaraang Setyembre 17 ay nakapagtala ng kabuuang 6,250,050 bagong rehistradong botante ang Comelec kung saan 3,214,403 ay babae at 3,035,647 ay lalaki.
May pinakamataas na bilang ng mga bagong botante ang Calabarzon na may 1,041,179.
Sinundan ito ng National Capital Region na may 824,239; Central Luzon na may 705,530; Davao Region na may 356,854 at Central Visayas na may 331,033.
Nakarehistro rin ang Comelec main office ng 9,201 bagong botante.
Ang panahon ng voters registration para sa May 2025 elections ay nagsimula noong Pebrero 12 at magtatapos nitong Setyembre 30, 2024.
Inihayag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang deadline ng voter registration nitong Setyembre 30 ay hindi na palalawigin pa.
RUBEN FUENTES