SUV NAHULOG SA IRRIGATION CANAL: 13 PATAY, 2 SUGATAN

KALINGA-PATAY ang 13 katao kabilang ang pitong kabataan nang mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa Barangay Bulo, Tabuk City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Soy Lope Agtulao, driver ng SUV;Sidewyn Agtulao; Sywin Agtulao, Sonnie Lope; Jessiebel Paycao na pawang mga residente ng Tadian, Mt. Province; Scarlet Paycao, 3-anyos; Judilyn Talawec Dumayon; Alfredo Cotit Lope; Remedios Longey Basilio ;Sedarn Talawec Dumayon; Jeslyn Talawec Dumayon; Marlo Perenia at Paycao Cydric pawang residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Idineklarang dead-on arrival ang 12 na biktima habang naisugod pa sa pagamutan ang isa ngunit namatay din habang ginagamot.

Samantala, masuwerte namang nakaligtas ang dalawa na sina Edith Perez at Cyrel Agtulao na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, lulan ang labing limang katao ng isang itim na (SUV) Ford Everest na karamihan sa nakasakay ay pawang mga bata nang mahulog ito sa irrigation canal at mabilis na lumubog kaya’t hindi na nagawang makalabas ng mga ito.

Patungo sana ang mga magkakamag-anak na biktima sa Bulo Lake sa sakop din ng Tabuk City nang maganap ang aksidente dakong ala-5 ng hapon noong Abril 18. IRENE GONZALES

3 thoughts on “SUV NAHULOG SA IRRIGATION CANAL: 13 PATAY, 2 SUGATAN”

  1. 626061 55648Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and located that its really informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. Lots of individuals will probably be benefited from your writing. Cheers! 893893

Comments are closed.